Sharon at Kiko matagal na umanong hiwalay

Sa isang balita ng ABANTE TONITE, matagal na raw umanong hiwalay ang mag-asawang sina Senador Francis “Kiko” Pangilinan at beteranang aktres at mega star Sharon Cuneta.

Ayon sa report ng ABANTE, ito raw umano ang ibinulong sa kanila ng kanilang source na tumangging ipaalam ang kanyang pangalan para narin sa kanyang kaligtasan.

Dagdag pa nito, pakitang-tao na lang umano ang ipinapakita at ginagawa ng dalawa dahil pinapangalagaan nila ang kanilang mga imahe sa Senado at showbiz industry.


Ayon pa sa source, matagal na umanong hindi umuuwi sa bahay ni Sharon sa Ayala Alabang si Kiko at mas madalas umano ito sa Cavite.

Binanggit ng source na darating din umano ang araw na aamin at magsasalita si Sharon sa tunay na lagay ng kanilang relasyon.

Hindi naman sinabi ng source ang naging dahilan ng hiwalayan nina Kiko at Sharon dahil gusto niyang ipaubaya sa aktres ang pagpapaliwanag nito.

Taong 2009 ng kumalat ang balitang nagkakalabuan na ang pagsasama ng dalawa dahil sa isyung may naanakan umano si Kiko.

Nag-alok pa si Sharon ng P10 milyong cash sa sinumang makapaglalabas ng ebidensiya na may anak si Kiko sa ibang babae.

Noong Mayo lamang, muling nabuhay ang balitang hiwalay na ang dalawa ng mag-isang lumipad papuntang United States si Sharon.

Eksakto naman sa timing ang pag-alis ni Sharon sa kumalat na pekeng litrato nina Kiko at Senador Risa Hontiveros na magkahawak kamay habang nag­lalakad sa labas ng Custodial Center ng PNP sa Camp Crame matapos nilang dalawin si Senador Leila de Lima.

Matagal na nanahimik si Sharon at makalipas ang ilang araw ay nagsalita din ito tungkol sa dahilan ng paglayas niya patungong Amerika.

Okay. Here is the truth. Kung anuman ang pinagdadaanan ko/namin ngayon, HINDI PO ITO KASALI DOON. There is no truth to the rumours going around that Kiko and Sen. Risa Hontiveros are having an affair (or held hands). Some people are evil. They have nothing better to do than ruin people’s lives. Wala bang mas matalino or mas challenging na paraan na hindi naman nakaiinsulto sa utak ng karamihan kung maninira ka rin lang ng kapwa?” diin ng singer/actress sa ipinost nito sa kanyang Facebook account.

Ipinaliwanag pa ng aktres na kaya siya umalis patungong US ay dahil sa pagkamatay ng kaibigan niyang kompositor, dagdag pa ang problema sa ginagawa niyang pelikula noon gayundin sa negosyo.

Ngayon, after ­thirty years, nangingibabaw sa akin ang dugo ng Daddy­ ko. Cuneta ako. We are street-smart. My father had a Master’s Degree in the school of hard knocks. Do not even THINK about putting one over me. I shall NEVER allow it again. So if I am indeed going through anything now, IT DOES NOT INVOLVE A THIRD PARTY.” diin pa niya.

Source: ABANTE TONITE

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Help us grow by sharing the our website thru:

%d bloggers like this: