Pangulong Duterte nag-ala Santa Claus sa isang ospital sa Maynila at namigay ng regalo sa mga batang pasyente

Nagmistulang Santa Claus si Pangulong Rodrigo Duterte matapos magkaroon ng “unannounced visit” sa isang ospital sa Maynila kahapon.

Ayon sa ulat ng RMN.PH, kahit walang opisyal na schedule si Pangulong Duterte ay bumisita ito sa Mary Johnston Hospital sa Maynila upang dalawin ang mga batang pasyente at mamigay ng maagang pamasko.

Bukod dito, kinantahan pa umano ng mahal na Pangulo ang mga batang may malubhang karamdaman kasunod ng pangakong sasagutin ang mga gastusin at pangangailangan sa ospital.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque Jr., bukod sa Mary Johnston Hospital ay binista rin ni Pangulong Duterte ang mga pasyente sa Hospicio de San Jeso ngunit hindi na ito naglahad ng ibang detalye kaugnay ng kanilang pagbisita.


Matatandaang namataan din ang Pangulo kahapon na namimili sa Greenbelt  sa Makati City kahapon kung saan ayon kay Secretary Bong Go ay bumili ito ng mga backpack na lalagyan ng magazine ng kaniyang mga baril.

Kahit walang pormal na anunsyo ang Palasyo sa mga lakad ng Pangulo kahapon ay dinumog pa din ito ng taumbayan na tila isang sikat na artista.

SOURCE

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Help us grow by sharing the our website thru:

%d bloggers like this: