EXTENSION | PNR phase 1, sisimulan na sa susunod na taon

Manila, Philippines – Sisimulan na sa January 2018 ang konstruksyon ng PNR phase 1 na mag-uugnay sa tutuban hanggang Malolos, Bulacan.

Manila, Philippines – Ito ay matapos lagdaan ng Department of Transportation (DOTr), Japan Government at JICA o Japan International Cooperation Agency ang kontrata para sa konstruksyon at bidding process ng 38 kilometer railway.

Sabi ni DOTr Asec for Railways Timothy Batan, sa 2020 hanggang 2021 inaasahang mapapakinabangan ang mga proyektong ito.

Tiniyak naman ni Philippine National Railway General Manager Junn Magno na bagong train system ang gagamitin sa Tutuban hanggang Bulacan.

Bukod din aniya sa commuter train, nakakasa na ang pagsasaayos sa riles mula Maynila hanggang Pampanga para naman sa tone-toneladang cargo na kadalasang nagiging sanhi ng trapik sa kalsada.

SOURCE

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Help us grow by sharing the our website thru:

%d bloggers like this: