DOJ, walang nakitang paglabag sa mga nanawagan ng revolutionary government

Manila, Philippines – Walang nakikitang mali si Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa pagtitipon ng mga nagsusulong ng “RevGov na” o pagtatayo ng revolutionary government.

Ayon kay Aguirre, malaya ang sinuman na maglahad ng kanilang pananaw tulad ng mga lumahok sa pagtitipon kahapon sa Maynila.

Aniya, ang naganap sa naturang aktibidad ay bahagi ng kanilang “freedom of expression” o paniniwala na sa pamamagitan ng revolutionary government ay mas mapapadali ang pagbabago sa bansa.

Ang nasabing pagtitipon kahapon ay isinabay sa ika-154 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.

SOURCE

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Help us grow by sharing the our website thru:

%d bloggers like this: