BONUS | SSS Pensioners, matatanggap na ang 13th month pay

Manila, Philippines – Ayon kay SSS President and Chief Executive Emmanuel Dooc, simula kahapon, December 1 hanggang sa December 8 ay matatanggap na ang 13th month ang 2.2 million nilang pensioners.

Nabatid na nai-release na ang halaga ng pensyon sa partner-banks ng SSS mula pa noong November 15 para mabigyan ng mahabang panahon ang mga bangko sa pagre-release ng 13th month kasabay naman ng December pension.

Sinabi ni Dooc na inabisuhan nila ang mga bangko na huwag palalagpasin ng December 8 ang pagre-release ng 13th month pension.

Ang halaga ng 13th month pension ay katumbas ng basic monthly pension ng isang pensyonado.

SOURCE

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Help us grow by sharing the our website thru:

%d bloggers like this: