Do You Believe In Second Chances? Read And Be Inspired With This Couple “We Had The Right Love At The Wrong Time” Story.

They say LOVE is sweeter the second time around when both are matured enough to face the challenges and be responsible in handling relationship. But ofcourse not all sencond chances is sweeter and has a happy ending.

This couple, they met when they’re still in high school fell in love and the guy just ended their relationship. Maybe they’re too young to get into serious relationship or who knows what the real reasons of the guy, he told the girl ” Magkikita tayo pag tama na ang mali at pag pwede na ang di dapat”

And if faith really says they will end up together, they will because when the girl got into college they met with the same feelings they had when they’re still in high school.

So they’re back in each others arms. This proved that if you really love someone, years is just a number and feelings will never change. Read their inspirational story and it’s really nice to be inlove.

 “Tayo💕”

 

 (Alam ko korni korni korni. Wag nyo na basahin😂)

 “Elementary ako, 2nd year highschool ka. Lagi kitang nakikitang hinahatid mo yung girlfriend mo that time dun sa may harap ng school namin. Bilib na bilib ako sayo pano ba naman ang tiyaga mo kaya. Sabi ko pa dati ang swerte naman ni ate girl kasi may taga hatid sya pag umuuwi😅 at nauulit yun lagi. Nakakasalubong kita lagi twing hapon.”

 “Tapos ayun nag highschool ako. Dun din sa school mo. Pabebe ako nun lam mo yun. Lagi din tayong nagkikita dun. Pero wala lang. Until 1 day, may nagtext sakin 09306083502 yung unang number mo. Then said hello. Tapos nagpakilala ka. Ganun. Ganun. Ganun. Napunta yung topic sa kaka break nyo lang nung girlfriend mo at napasabi ako ng sayang. Sayang yung relationship nyo kasi bilib na bilib ako sa relationship nyo dati at ikaw ang bait bait mo. Ang sweet, caring, protective, at yung effort mo grabe kaya di mahirap ma fall talaga.”

 Tapos eto na. To make the story short, nauwi sa ligawan nung 2nd year highschool ako. 4th year ka naman. To make the story short ulit. October 17 2011 naging tayo pero mejo secret lang kasi strict parent’s ko that time e. Pero ang dami nating happy memories together. Pero nung gumraduate ka ng highschool di ko ba alam kung bakit. Bakit mo ko iniwan. Literal na iniwan💔 sakit nun. As in ang sakit sakit nun. Nasabi ko lang sa sarili ko may mali ba sakin? Siguro ang panget panget ko pero tinanggap ko nalang na wala ka na. Na wala na tayo. Maybe that time was the right love but wrong time for us. “magkikita tayo pag tama na ang mali at pag pwede na ang di dapat.” yun yung sabi mo nung iniwan mo ko.

” Tapos yun nag college ako same school kung san ka. Pero wag ka ha. Di kita sinundan. May boyfriend na din ako nun lagi kitang nakikita pero wala dedma nalang kasi bitter ako nun sayo kasi nga diba iniwan mo ko💔 tapos nanibago nalang ako kasi di na kita nakikita blinock mo din ako sa facebook na bitter ka. Tapos wala na nawala ka na almost 1 yr.”

 

 “Last summer, sa diko inaasahan nung mga panahong broke din ako, inunblocked mo na pala ako. Tapos nag friend request ka inaaccept ko naman. Nag chat ka napakahaba nung coversation natin. Hanggang nauwi sa tungkol sa lovelife ang usapan na nalaman kong after nung breakup natin dika pa pala nagkaka girlfriend. Grabe ha 4 yrs na yun. “

 “Diko ba alam basta lagi kitang kausap dati tapos na feel ko ulit yung feeling nung tayo nung highschool kahit pabebe. HAHAHA so yun magka usap tayo through text, chat, phone calls tapos yung feelings di natin inasahan na babalik pala. Totoo pala na bumabalik sya. June 12, 2017 after 5 yrs na iniwan mo ko, you asked me again kung may chance pa ba ulit maging tayo.”

 “Naiyak ako kasi same feeling nung sayo yung nararamdaman ko. Nag take ako ng risk. Nung naging tayo ulit ang dami kong naririnig na negative comments tungkol sakin. Hanggang ngayon madami pa rin. Pero di ko na pinapansin. Kasi yung pinili kita, yun yung pinaka magandang disisyon na ginawa ko. Yung pinili kong maging masaya, yun yung napakahalagang bahagi ng istoryang to.”

 “Yung TAYO, yun yung pinili ko na di ko pinagsisihan.”

 “Kaya salamat sa pag balik. At sana wag kang mag sawang bumalik. Kahit gano pa kalayo sa mundo ang marating mo.”

 “Sabi ng mama at papa ko satin mag aral muna daw ako at may tamang oras din satin. Kaya nandito lang ako. Nag aaral nang mabuti, magtatapos at mag mamahal sayo. Char😅 I love you so much. I don’t know when will this last but i hope it lasts for a lifetime. 💕”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Help us grow by sharing the our website thru:

%d bloggers like this: